Ako si Arra Camille Reyes Chiba, ipinanganak noong Marso 6,1995 sa Doctors Hospital na anak nina Rowena Reyes Chiba at Tatsuaki Saito Chiba na isang hapon nakilala ito ng aking ina sa japan nagpakasal sila noong marso 26 1989.Tatlo kaming magkakapatid panganay na si Ralph Neil Marc C. Pengson na anak ng ina ko sa unang asawa na si Eddie Yu Pengson na isang intsik at ang pangalawa kong kapatid ay isang babae na si Akiko Reyes Chiba na ngayon ay nakatira na sa america sa kadahilanan nakapangasawa ng isang amerikano subalit nagkaroon ng isang lalaking anak sa pangalang Aeko at ako naman ang pangatlo sa aming magkakapatid.Noong taong 2000 isinama ako ng mga magulang ko sa japan upang magbakasyon,at nagpunta kami sa Disneyland at bumili ng mga pasalubong, tatlong buwan din akong nagliwaliw sa japan natikman ko ang ibat ibang uri ng pagkain ng hapon nakita ko kung paano sila manamit,kung paano sila maging disiplinado sa kanilang bansa na itinuturing ko rin aking pangalawang bansa.
Nagkaroon ng saya ang aming tahanan dahil sa aking pamangkin at ipinagdiwang namin ang unang binyag nito sa bahay namin, nakikita kong masaya lahat ang ninong at ninang na kinuha ng aking kapatid dahil sa kakulitan at kabibuhan ni Aeko . Kasama sa talambuhay ko ang pakikipaghiwalay ng aking kapatid sa ama ng aking pamangking si Aeko sa dahilan ng kawalan ng ambisyon nito sa buhay. Nagsumikap ang ate ko na magkaroon ng daan ang buhay nila ng kanyang anak, nakilala nito si Kenneth Oliver Burnett na isang amerikano sa pamamagitan ng “Chat” sa inernet, dito bumalik ang ginhawa namin sa buhay. Hulyo 11, 2009 ipinagdiwang namin ang isang taon ni Aeko sa Jollibee Mall tulong na din ng fiancee ng aking kapatid na babae, imbitado lahat ng angkan at kaibigan, naging masaya ang gabing iyon dahil na din sa liagayang dala sa amin ng aking pamangking si Aeko, nakatanggap ng sari-saring regalo galing sa mga ninong at ninang at ako ang nagsilbing tagakuha ng letrato sa lahat. Ilang buwan ang nakalipas sinamahan ko ang aking ina at ang aking kapatid na babae sa embassy upang mag file ng mga papeles nito sa kanilang pag alis patungong amerika, kasama din ako sa pagkuha namin ng aming pasaporte sa Lucena City.Lumipas ang ilang buwan at fiesta na ng aming bayan sa San Pablo City, naghanda kami ng iba’t ibang klase ng pagkain upang ipakain sa mga bisita ng aking mga kapatid at bisita ko din, tumulong ako sa paghahanda at ng tumuntong ang buwan ng mayo, ang buwan na kung saan paalis na ang aking kapatid na si Akiko at aking pamangkin na si Aeko patungong Nashville Tennesse, USA , umalis kami sa aming bahay ng ala una ng madaling araw patungong paliparan at hinatid namin ito hanggang sa gate ng airport at naghinatay hanggang sa ito ay makasakay ng eroplano, hindi naging madali sa amin ang pagtanggap sa pag alis ng aking ate at aking pamangkin, ilang buwan din kaming malungkot sa bahay at laging nag iiyakan sa gabi dahil na din sa lungkot na dulot ng pag alis ng dalawa, ilang buwan ang nakalipas nakatanggap kami ng e-mail sa internet na magpapakasal na ang aking ate at nobyo nito na si Ken at duon naging masaya ako dahil sa pagtanggap ng mga amerikano sa aking pamangkin na hindi naman nila kadugo at hanggang sa kasalukuyang panahon ito ay kanilang minamahal at tinuturing na kadugo.
Naging maganda ang kinabukasan ng aking ate sa amerika at ng aking pamangkin dahil na din sa pamilyang kinakasama nito at ngayo’y nagtatrabaho bilang isang care giver doon at nurse attendant naman ang aking kuyang si Ralph sa San Pablo City General Hospital na ipinagawa ng ating punong lungsod na si Mayor Vicente Amante. Nang maranasan ko ang JS Prom na sinasabi ng nakararami inilaban ako ng aking guro bilang “King and Queen of the Night “ kaya ipinagpagawa ako ng aking ina ng isang magarang pulang kasuotan “Cocktail Dress”, itinanghal ako bilang Queen of Hearts noong gabing iyon at nakatanggap ng isang kumpol na bulaklak at nagkaron ako ng pangalan sa Dizon High at iyon ang nagpalakas ng aking loob upang ituloy ang daan ng aking pag aaral at ng aking buhay. Ngayong nasa ika-apat na baitang na ako ng aking pag aaral sa Dizon High bumaba ang aking section naging section E ako at hindi ko na naging kaklasi ang aking mga kaibigan naging adviser ko si Ginang Calanasan na napaka bait at tinulungan ako sa aking marka na hulog sa science.Nagkaroon kami ng ibat ibang paligsahan tulad nalang ng “Cheerdance”kumuha ang mga kaklasi ko na magtuturo sa amin at ang nakuha nila ay si jhay jhay at joseph sila ay isang mahusay na mananayaw tinuruan kami bawat step ng sayaw ngpractice kami sa may pamanahall at tuwing hapon naman ay sa oval inaabot kami hanggang 5pm lang ng hapon naging masaya naman kami kahit nung umpisa ang mga kaklasi kong lalaki at iba pang mga babae ay pasaway lahat kami ay naging masaya eto na yung araw na labanan at ng magsimula hanggang sa matapos hindi namin inakala na mananalo kami kahit pang apat na place naging masaya ang lahat at pagkatapos huminge kami ng pasasalamat sa nagtuturo sa amin. 


No comments:
Post a Comment