Sunday, February 20, 2011

Ang Talambuhay ni Christina Catamen

Ang aking buhay

   
         Una sa lahat ako ay nanggaling sa simpleng pamilya.pinalaki ako ng magulang ko nang maayos,tulad ng paggalang sa nakakatanda o sa kapwa naming,maging responsible sa mga bagay at pagrespeto sa mga opinyon ng iba.Kaya ipinagmamalaki ko ang aking mga magulang dahil hindi nila kami pinababayaan sa aming mga pangangailangan sa araw-araw,at alam ko ring na mahal na mahal kami ng aming magulang,kahit kung minsan pinapagagalitan kami,pero alam ko naming nag-aalala lang sila sa amin kaya pinagagalitan kami.                                                                        


          Nais kong ipakilala ang aking sarili sa inyo.Ako si Christina Baranda Catamen,ako ay isinilang noong setyembre 14,1994.Sa San Francisco Calihan San Pablo City.Akoy labing anim na taon na,nasa ika apat na antas na ako ng sekondarya,sa Col.Lauro D.Dizon Memorial National High School.Sapagsisikap ng aking mga magulang na  pag-aralin ako.Ang aking butihing ina ay nag-ngangalang  Nelfa Baranda Catamen na isang maybahay at ang ama ko naman ay nagngangalang Jonathan Capucap Catamen,na isang Mekaniko.Ako ay may isang kapatid na lalaki na nagngangalang Joenel Baranda Catamen.Ako ang panganay at bunso naman ang kapatid kong lalaki na nasa ika-apat na baiting na ng elementarya sa Don Enrique Bautista Elementary School.
         Bilang panganay at nag-iisang babae sa aming dalawang magkapatid,hindi ko msasabing hindi ako na spoiled sa mga bagay,pero hindi naman sa lahat ng oras nakukuha ko ang gusto ko,dahil inuunawa ko rin ang aking mga magulang lalo na at kung may mga bayarin sa amin.Pero dahil rin sa mga nag-iisa akong babae,nabibigay nila ang mga pangangailangan ko.
         Ngayon,nais kong isalaysay sa inyo ang mga nangyari sa akin noong pagkabata ko.Noong ako daw ay sanggol pa,napakataba ko daw at napakabigat,kaya naman daw hirap si mama at papa sa akin sa pagbuhat.
        Tuwang tuwa daw sa akin ang aking mga tiyahin,dahil ang taba-taba ko daw.Sabi sa akin ni mama ang dapat daw pangalan ko ay “Stephanie”pero si papa daw ay hindi gusto ang pangalan na iyon. Kaya ang ginawa nila nag-isip na lang daw sila ng panibagong  pangalan ko.Ang kanila daw naisip ay “Cristina”dahil malapit na daw mag pasko at katunog ng Christmas.
Me w/ my Cousin
        Noong ako daw ay nag-isang taon,yung sigarilyo daw ni papa na nakapatong sa lamesa ay nakuha ko daw at kinain ko,hindi daw napansin ni mama na hawak ko na yung sigarilyo.Napansin nalang daw ni mama nung nakita daw niya akong may kinakain.Kaya dali-dali daw ni mamang pinanganga ako. Habang lumilipas daw ang taon at naging tatlong taon na ako,napansin daw nina mama at ng mga tiyahin ko na palaaway ako at salbahi sa mga kalaro ko,napaka salbahi ko daw dahil kapag may kalaro daw ako,ayoko daw na may iba pa daw kaming kalaro,dahil kung may bago daw kaming kalaro,kinukurot ko daw ang mga ito.Ang matalik ko daw na kaaway ay ang pinsan ko na salbahe din,hindi raw kami pwedeng paglapitin,dahil mamaya-maya mamumulatan nalang daw nila na nag-aaway kami,para daw kaming aso at pusa,ang pinsan ko pa naman daw ay lalaki,kaya imbes na pagsamahin kami,pinaglalayo daw kami.Mapapansin ninyo sa kanang litrato may batang babae,ako iyan nung akoy tatlong taon palang at yung katabi ko sa kaliwang litrato ay ang aking pinsan na lagi kong kaaway.

Flower girl ako :))

        Noong ako`y nag-anim na taon na,kinuha ako ng tita ko bilang flower girl sa kasal niya,tuwang-tuwa ako noon kasi gusto ko naka make-up ako.Hindi kasi ako pinapayagan ni mama na mag make-up,gawa ng bata pa daw ako.Tuwang-tuwa ako lalo na at nakakita ako ng iba`t ibang kulay ng lipstick.
        Lumipas ang taon at grade one na ako,tanda ko pa noong ako ay pumasok,umiiyak ako kasi hindi ako kasama si mama,pero hindi nagtagal nagkaroon ako ng mga kaibigan at nasanay na ako.Tanda ko pa noon lagi akong inuutusan ng guro ko na mag-walis, sa dami – dami  ng kaklase ko lagi na lang niya akong pinag wawalis , kaya sinabi ko iyon kay mama nag akoy ihatid ni mama sa pag pasok,kinausap ni mama ang guro ko, at napansin ko hindi na ako inutusan ng guro ko.

          Mga ilang buwan ang lumipas, naglalakad kami ng mga pinsan ko, pauwi na kami dahil awas na kami at tanghalian na iyon.Nakasabay namin ang kaklase kong lalaki na kapitbahay namin, sa asaran at lokohan namin, binato niya ako ng bato sa ulo ko,una kong naramdaman niyon, pagkahilo pero hindi ko alam na dugong-dugo na pala ang ulo ko,mabuti nalang yung mga pinsan ko nakita ang damit ko na may mga dugo na,dali-dali nila akong inakay,at ang pinsan kong lalaki ang damit niyang polo,punong puno ng dugo dahil inaakay niya ako ganun din yung isa kong pinsan.Pagdating namin sa bahay,gulat na gulat ang mama at lola ko,dali-dali nila akong isinugod sa hospital.Mga ilang tahi lang ang ginawa sa akin,pero naawa ako sa kaklase ko dahil kaibigan ko rin siya.Pagdating kasi niya sa bahay nila ay pinalo siya ng mama niya at pinapasok pa siya kahit ganun yung nangyari sa kanya.pero mga ilang araw magka-ayos na ulit kami.
        Dumaan ulit ang taon at ako`y grade three na,hindi ko makakalimutan nang nagkasabay ang sakit ko na dengue at tigdas,hindi alam ni mama at papa ang gagawin sobrang taas ng lagnat ko,nung mga panahong iyon,kahit pinapainum na ako ng mga nurse ng gamut,hindi man lang daw bumababa ang lagnat ko,dumating yung point na nag 50/50 na ako,nag-iyakan na daw sina mama sabi sakin ng lola ko ganun din daw sya,akala daw nila kukunin na ako ni GOD ng mga panahon at oras na iyon.Itim na daw kasi ang mga labi ko,pero mga ilang oras daw ang lumipas sa awa ng DIYOS hindi daw ako kinuha,kaya laking tuwa daw nila ng mga oras na iyon.Kaya siguro na spoiled din ako lalo na ako lang yung babae sa amin dahil ang kapatid ko naman ay lalaki.
Pagkalipas ng mga taon naka-graduate na ako ng elementarya.
Nang pumasok ako ng 1st year sa Col.lauro D. Dizon Memorial National High School maraming nagbago sa akin hindi lang physical pati na din emotional.Naging open ako sa mama ko sa lahat ng bagay,lahat ng sekreto ko alam niya.pakiramdam ko pag hindi ko nakukkwento sa mama ko mganangyayari sa akin,para bang kulang.Nagkaroon ako ng mga kaibigan noong first year ako,tapos nasama ako sa ibang barkada,mabuti nalang at nakalayo agad ako sa kanila dahil kung hindi mapapagaya ako sa kanila,marami silang bagsak at balik first year ulit sila.Hindi rin masama mamili ng kaibigan lalo na kung mapapasama ka sa mga hindi magagandang gawain nila.piliin mo yung makakabuti sayo ay hindi mamasama yung hindi ka hihilahing pababa.Noong ako`y second year nagkaroon ako ng mga kaibigan na totoo,hanggang ngayon kasimagkakaibigan parin kami,kahit iba`t iba ang section namin.Hindi ko makakalimutan nung napa-away kami ng sugatan sa mga taga private school,inaaway kasi nila ang kaibigan ko ngayon tinanung ko sila ng maayos kung bakit,sinagot nila ako ng hindi maayos,kaya nakasagutan din nilaako,marami silang sinabing pangmamaliit sa school na pinapasukan namin,tulad ng hindi daw sila pumapasok sa mga public school. Kami naman siyempre,nainsulto na sa mga sinabi nila,nag-alcohol pa sa harapan namin.Kami naman nagpasensya na dahil alam naming pwede daanin sa maayos na paraan,pero hindi pala.Sinabihan pa kami na babye mga loser.Galit na galit kami nun siyempre bilang dizonian,nagpasensya kami dahil nalaman naming,hindi naman pala lahat ng napasok sa private ay may respeto sa mga taga public school or sa mga simpleng tao lamang.
Ngayong 4thyear ako
        Ngayon ako`y fourth year na,maraming mga masyadong bagay ako na hindi malilimutan tulad ng nadagdagan pa ang mga tunay kung kaibigan,lagi akong masaya kahit may problema ako,ako yung tipo ng tao na tahimik,pero kapag nakilala mo ako masasabi mong maingay din ako,siguro kaya ganito ang personality ko,wala kasi akong kapatid na babae kaya matured na ako sa mga bagay at pagkilos ko,lagi ko kasing kausap mama ko,siyempre ang mama ko hindi tulad ng iba na dalaga.Kaya sinasabi niya sa akin na kumilos daw ako ng ayos at babae daw ako,wag daw akong magaslaw kumilos,magsalita daw ako ng maayos para daw hindi ako bastusin at igalang daw ako,ayusin ko daw ang sarili ko dahil panget daw sa babae na hindi palaayos man lang daw.Yang mga yan ay natutunan ko sa mama ko,kaya ganito ako kumilos pero minsan hindi parin nawawala ang pagkakaroon ng batang-isip.
        Masaya ako dahil sa mundong ito marami akong naranasan at nalaman.Ano pa kaya ang maaaring mangyari sa akin pagkalipas ng mga ilang taon???Alam kong bagong kabanata na naman ito sa aking buhay at pagsubok. :)
Super Pop Girls and Mrs. Calanasan



JS prom

No comments:

Post a Comment