Saturday, February 19, 2011

ANG BABAENG SIMPLE PERO MAKULIT ( talambuhay ni Meriel K. Millave)



Isinilang ako noong Pebrero 3,1995 sa lungsod ng San Pablo City, Kami ay nakatira sa Barangay Del Remedio San Pablo City.Pangalawa sa tatlong anak nina Merlita Kalalo Millave na mula sa San Juan Malvar,Batangas at Ariel Perez Millave na mula naman sa San Pablo City.Ang panganay kong kapatid ay si Armel Millave na 19 taong gulang at tapos ng sekundaryang pag aaral sa paaralan ng San Pablo City National High School.Nakapag aral ng kolehiyo sa kursong civil engineer sa University of Batangas,ngunit tumigil at hindi natapos ang kanyang kurso.Ang aking bunsong kapatid naman ay si Marydel Millave,10 taong gulang kasalukuyang nagaaral sa ika-apat na pangkat sa paaralang Del Remedio Central School at isa sa mga honor student sa kanilang paaralan.



Galing ako sa isang simpleng pamilya.Isang pamilya na puno ng pag mamahalan at pag kakaunawaan nasa bawat pag subok ng buhay mas lalong nakikita ang tatag ng samahan ng bawat isa.Lumaki at nag kaisip ako na may gabay ng mga mabubuting magulang.Mga magulang na sa bawat pag kakamali ng anak ay hindi nila kinukunsinti kundi tinuturo nila kung ano ang dapat at tama para saming mga anak nila.Isang driver ang tatay ko at isang house wife naman ang nanay ko.Sa marangal na trabaho ng mga magulang ko kami nabubuhay at nakakapag aral ng mga kapatid ko.Kahit minsan hindi ko nagawang ikahiya ang hanap buhay ng mag magulang ko.Buong puso kong ipinag mamalaki ang pamilyang pinang galingan ko.

noong binibinyagan ako


Kasabay ng unang kaarawan ko ang pag bibinyag sakin.Isa akong batang makulit at masayahin.Mahilig akong manood ng mga katatakutan na palabas.Ako yung bata na sobra ang pagkasundo sa tatay ko na kahit pag nag iinom nya ay kasama ako.Mahilig akong mag laro noong bata ako pero hindi ko naging hilig ang mag laro ng mga laruang pang babae,mas gusto kong nilalaro ang mga larong panlalaki kaya naman sinasabi ng mga pinsan ko na tomboy ako.Gustong gusto kong nilalaro yong pantintero,sikyo,tagu-taguan,teks,golen at marami pang iba.Kapag nananalo ako sa teks tuwang tuwa ako na nag papaalat ng teks sa mga kalaro ko.Laging kong kalaro at kasama ay ang mga batang lalaki.Mas mabilis kong nakakasundo at napapakisamahan ang mga lalaki kesa sa mga babae.Dahil sa sobra kong kakulitan nakagat ako ng aso na naging dahilan kaya ako natatakot sa aso hanggang ngayon.




2 years old ako


Limang taong gulang ako noong mag simula akong mag aral ng kinder garden na malapit lamang din sa aming tahanan kaya naman madalas ay mag isa nalang akong pumapasok sa aming paaralan.Nakaroon ako ng medal noon sa kinder garden.



kinder ako



Nag aral at nakapag tapos ako ng elementary sa paaralan ng Del Remedio Central School.Noong grade 1 pa lang ako takot na takot ako noon sa guro ko ang taray nya kasi pero nasanay din naman ako sa pagiging mataray nya.Naging player ako ng football noong grade 2 ako at lumaban kami ng division meet at nag kamit kami ng ikatlong pag kapanalo.Kabaligtaran naman noong grade 2 ako ang guro ko noong grade 1 ako,napaka bait ng guro ko noon na kahit ang gulo-gulo ng section namin inuunawa prin nya kami.Kaya naging dahilan yon para maging close sakin ang guro ko.Noong  nasa grade 3 na ako tumigil ako sa pag lalaro ng football at naging player naman ako ng truck and field.Dahil sa kagustuhan kong maging katulad ng aking panganay na kapatid na isang magaling na mananakbo.Madalas akong umaabsent noon dahil sa madalas na pag sakit ng ulo ko.Sa malimit na pag sakit ng ulo ko nalaman namin na may migrain na pala ako.Tumigil ako ng pag aaral noong buwan ng Enero noong grade 4 ako dahil sa isang aksidente,nasapian ako na naging dahilan para tumigil muna ako sa pag aaral ko at makalipas ang ilang buwan ay gumaling na din agad ako.Isang malaking kabutihan at pang unawa ang ginawa ng aking adviser,pinakuha nya ako ng pag susulit upang makapasa ako at maging grade 5 ako at nakapasa nga ako sa pag susulit na iyon.Nasa grade 6 na ako noong naging player  ako ng table tennis.Katulad noong grade 2 ako lumaban din ako ng division meet sa double competition ng table tennis at nagkamit kami ng 3rd place.Bago ako mag tapos ng elementary nag pakasaya muna kami ng mga kaibigan ko.Ginawa naming sulitin ang bawat araw na magkakasama kami.Ang hilig naming gumala kung san-san, doon sa pinuntahan naming may tatawidan kami na puro aso dahil sa takot nga ako sa aso hindi ako nakatawid eh lahat ng kaibigan ko nakatawid na ako nalang yong naiwan umiyak tuloy ako ahaha.Masasabi namin na kahit nasa high school na kami ay hindi naming makakalimutan ang isang maganda at masayang samahan noong elementary.Nakapag tapos ako ng elementary na may buong suporta ng mga magulang ko.




graduation ko nung grade 6



Sa pag dating ko ng high school alam ko na isang bagong paaralan,pakikisama at mga bagong kaibigan ang makakasalamuha ko.Nagenroll ako sa paaralan ng Col. Lauro D Dizon Memorial National High School.Naging section 1-F ako at hindi naging mahirap sakin ang makisama at makipag kaibigan sa mga bago kong kaklase.Lumaban ang section namin ng Ibong Adarna at gumanap ako bilang si prinsesa Eleonora.Isa sa mga hindi ko makakalimutan ay yong mag tetest kami sa science tas ako at ang mga barkda ko ay walang ballpen kaya ang ginawa naming ballpen ay yong eyeliner ahaha.Noong nag 2nd year ako naging 2-F ako,karamihan sa mga kaklase ko noong 1st year ay ang mga kaklase ko noong 2nd year kaya kung sino ang mga barkada ko noong 1st year ako ay sila ding mga barkada ko noong 2nd year.Naging isang napaka saya ang section namin noon,lumaban ang section namin ng nutri jingle at florante at laura.Mas lalo kami naging close ng mga barkada ko noon.Ang nakakatawa pa sa mga nangyari noong 2nd year ako ay noong pinakanta kami ng mga barkada ko sa ibang section dahil kanta kami ng kanta sa room namin eh may nag kaklase sa katabi ng room namin tawa kami ng tawa.Kahit nakakahiya kumanta padin kami sa room ng 2-H ahaha.Inaasar tuloy kami ng mga kaklase namin na puhawan’s company ahaha puro kami kalokohan noon.Tas napaaway at naguidance pa ako noon,kahit mga 4th year kaaway ko.Naging bestfriend kami ni Ricardo Himor,isang bestfriend na laging nandyan para sakin.Bago matapos ang pagiging 2nd year namin nag karoon ng swimming ang section namin.Isang swimming na naging masaya ang  lahat ng kasama.Noong 3rd year na ako naging 3-F ako,ayaw ko ata iwan ang pagiging F dahil simula 1st year ako ay F na ako ahaha.Mag kaklase ulit kami ni Himor.Magkakasundo kaming lahat na mag kakaklase.Sama-sama sa mga kalokohan,isa sa mga hindi ko makakalimutan ay noong naging 3-F ako.Doon naging bestfriend ko din si Rhaya Monique Ramos,katulad ko makulit at masayahin din sya kaya naging lalong maganda ang pagiging mag bestfriend namin.Nagkaroon ng shiundig sa school,isang contest para sa mga talented na Dizonian.Doon nabuo ang samahan ng barkada namin na tinatawag na “partypipz”.3rd year ko nagawa ang sobrang pagiging pasaway at gumawa ng mga kalokohan.Laging late umuwi,laging nasa galaan pag walang pasok o kahit pag awas.Pero kahit ganun hindi ko pinapabayaan ang pag aaral ko.Nakakasama ako sa mga top student sa classroom namin.

barkadang partypips



with my bhest Rhaya



with my bhest Himor




Kasalukuyan akong 4th year na section 4-E.Nagkahiwa-hiwalay kaming mag babarkada. Si Himor ay naging 4-D,si Rhaya naman naging 4-G at ang karamihan sa mga barkada namin ay naging 4-F at 4-G.Dahil napahiwalay ako ng section sa mga barkada ko isang bagong pakikisama na naman ang ginagawa ko.Bagong pag aadjust dahil mas maaga na ngayon ang pasok ko.Gaya noong 1st year ako hindi naging mahirap sakin ang makisama sa mga bago kong kaklase,pero mas naging close ako sa mga kaklase kong lalaki kesa sa mga babae.


me together with my 4-E classmates



Nagkahiwa-hiwalay man kami ng mga barkada ko wala naman nag bago sa samahan namin.Sa bawat event o activity ng school mag kakasama kami.Katulad na lang noong sci camp,2 night at 1day kami sa school.Puro kami kalokohan noon pero sobrang saya naman talaga.Isa si Mika sa pinaka magulo noong sci camp hindi nya kami pinatulog ng 2nights na yon sa mga kalokohan nya.Dalawang beses pa nga kami pinuntahan ng c.a.t officer para patulugin kami pero hindi padin kami natulog ahaha.Para lang makatulog kami ng konting oras tinakot namin si mika ahaha.




sci camp 2010

Nakasanayan ng school ang magkaroon ng mini olympic para sa lahat ng 4th year.Nag laban-laban ang lahat ng 4th year sa cheer dance at ang section namin ang nanalo bilang 4th place.Nagkaroon din ng iba’t-ibang palarong pangpalakasan katulad ng football,volleyball,basketball at iba pa.Masaya at proud ako na naging 4-E ako.



mini olympic :)




Talagang iba ang buhay ng high school at iba ang kasiyahan na naramdaman at naranasan ko dito.Pinag mamalaki ko na isa akong Dizonian at hinding hindi ko makakalimutan ang lahat ng mga masasayang nangyari sakin sa paaralang Dizon High.Ngayon ilang buwan nalang at tapos na ako ng high school.Ang mga magulang ko lalong lalo na ang tatay ko ang inspirasyon ko para makapag tapos ako ng pag aaral.





Alam ko sa sarili ko ang lahat ng mali kong ginawa noon,at lahat iyon nag bigay ng aral para itama ko ang lahat ng nagawa kong hindi maganda.Tunay na nakakaguilty ang gumawa ng mga kalokohan sa mga magulang ng sobrang bait na sa kabila ng mga mali ko inuunawa at iniintindi padin nila ako.


ako ngayong 4th year 

Madami akong pangarap sa buhay ko.Gusto ko maging isang successful na business manager,maging isang professional na computer engineer at madami pang iba. Naniniwala ako na walang sino man ang pwedeng humadlang para makapag tapos ng pag aaral.Ginagamit kong inspirasyon ang kahirapan,ang hirap na ginagawa ng tatay ko para mag tagumpay sa buhay.Naniniwala din ako na dadating yong araw na maibabalik ko sa mga magulang ko ang lahat ng kabutihang nila ginawa sakin at sa mga kapatid ko.Ito ang tunay sa kwento ng buhay ko simple pero masaya. J



No comments:

Post a Comment