Wednesday, February 23, 2011

Arra Camille Chiba: Tuloy ang Buhay

 
        Ako  si Arra Camille Reyes Chiba, ipinanganak noong Marso 6,1995 sa Doctors Hospital na anak nina Rowena Reyes Chiba at Tatsuaki Saito Chiba na isang hapon nakilala ito ng aking ina sa japan nagpakasal sila noong marso 26 1989.Tatlo kaming magkakapatid panganay na si Ralph Neil Marc C. Pengson na anak ng ina ko sa unang asawa na si Eddie Yu Pengson na isang intsik at ang pangalawa kong kapatid ay isang babae na si Akiko Reyes Chiba na ngayon ay nakatira na sa america sa kadahilanan nakapangasawa ng isang amerikano subalit nagkaroon ng isang lalaking anak sa pangalang Aeko at ako naman ang pangatlo sa aming magkakapatid.Noong taong 2000 isinama ako ng mga magulang ko sa japan upang magbakasyon,at nagpunta kami sa Disneyland at bumili ng mga pasalubong, tatlong buwan din akong nagliwaliw sa japan natikman ko ang ibat ibang uri ng pagkain ng hapon nakita ko kung paano sila manamit,kung paano sila maging disiplinado sa kanilang bansa na itinuturing ko rin aking pangalawang bansa.

        Sa edad na anim na taon ako ay nagsimulang magaral sa unang baitang sa elementarya sa San Pablo Central School,naging guro ko si Ginang Buedad na isang istrikta sa kadahilanan ako’y lumiliban sa klase niya  sa kanya.Sa ikalawang baitang ng aking pagaaral sa elementarya naging guro ko naman nang isang napaka bait na si Ginang Velasco sa kanya ako natuto kung paano maging malinis sa katawan bukod sa mga magulang ko,at ang nagturo ng ibat ibang bagay.Noong ako’y nasa ikatlong baitang naging guro ko naman si Ginang Castillo,sa baitang na ito ng aking pagaaral ako ay naging masakitin sa kadahilanan ako’y may hika at labas pasok ako ospital ng Doctors Hospital na naka ilang buwan sa aking pag galing ay ipinasok naman ako sa Community General Hospital sa paulit ulit na pagbalik ng aking hika hanggang sa umabot na ako sa ika-apat na baitang.Nagtapos ako ng elementarya noong taong 2000-2006.

           Sa aking unang pagpasok ng highschool napagdesisyonan ng aking ina na sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School kung saan nagtapos ang aking dalawang kapatid. Sa taong ito inilaban ako nang mutya sa Lakan at Mutya ng Dizon High ng isang labanan ng pera ngunit natalo ako sa kadahilanan maliit lamang ang aking naisumiteng pera,nanalo naman ako sa titulong “Ms.Photogenic”kaya hindi sumama ang aking loob sa halip na ikinatuwa ko ng lubusan ito naging kasintahan ko si Rowie Salupado na isang Sangguniang Kabataan Chairman  ngayon sa aming Barangay.Second Year High School ako ng muling umiibig kay Arjun Guevara na binigyan ako ng respeto bilang isang  babae.Naging kaibigan ko si Janus Luigi Fernandez,Mariel Ann Sermonia,Ella Mae Dimaculangan,Angelica Verzola.Sa kagandahang loob ni Janus siya ang napili kong matalik na kaibigan siya ang aking kasakasama sa lahat ng oras sa lungkot at ligaya. Sa ika’tlong baitang ng aking pag aaral ng high shool naging maestra ko si Gng. Gonzales na isang magaling at maunawing guro ng Dizon High na nagtuturo ng subject na ingles, sa taong ito ako nagsimulang magluko sa pag pasok sa eskwelahan sa kadahilanan umibig ako ng lubusan at sa dami ng problema sa pamilya.

        Napatigil sa pag aaral ng nursing  ang aking kapatid na si akiko  sa dahilang  nagbuntis at itinago sa amin ng siyam na buwan at dito nag umpisa ang paghihirap ng aming pamilya dahil sa kakulangan ng pera sa pagpapagamot sa aking kapatid at sa aking unang pamangkin dahil nagkaron ng sakit sa bato sa apdo ang aking kapatid na babae kaya napabenta lahat lahat ng pag aari ng aking magulang tulad ng TV, Refrigerator at iba pa. Nalubog din kami sa utang dahil sa pagbili ng gamot ng aking kapatid at pamangkin at imbes na may tumulong sa amin ay  binatikos pa kami ng intriga ng kung sinu sinong tao sa lugar namin, sa dami ng problemang napagdaanan ko sa buhay naging matigas ang loob ko at napkapag isip isip ko na hindi dahilan ang aking pagrerebelde sa aking magulang ang mga naging problema namin, itinuwid ko ang lahat sa paraang nag ayos ako ng pag aaral. Nang magdiwang ako ng aking kaarawan sa Maria Paz Resort noong marso 6, taong 2010 inimbita ko lahat ng kaibigan ko na sumama sa amin kasama ng buong pamilya ko, naging masaya ang araw na ito para sa akin hindi dahil kasama ko ang nobyo ko kung hindi dahil buo ang pamilya ko. Noong isinilang ang aking pamangking lalaki na si Wendgh Krypher Aeko Chiba noong hulyo 11, 2008  sa Doctor’s Hospital ay itinago namin ito sa Lipa City sa isang matalik na kaibigan ng aking ina na si Cleofe Guerra Manalo sa loob ng isang buwan sa kadahilanang magkakagulo ang aming angkan at masasaktan ang aking kapatid ng aking mga tiyuhin na kapatid ng aking ina, iniuwi ng aking panganay na kapatid at ng aking ina si aeko sa amin pagkalipas ng isang buwan at dito nagsimulang tanggapin ng lahat ng aking kamag-anak ang pagkakamaling nagawa ng aking kapatid na babae. 

                  Nagkaroon ng saya ang aming tahanan dahil sa aking pamangkin at ipinagdiwang namin ang unang binyag nito sa bahay namin, nakikita kong masaya lahat ang ninong at ninang na kinuha ng aking kapatid dahil sa kakulitan at kabibuhan ni Aeko .  Kasama sa talambuhay ko ang pakikipaghiwalay ng aking kapatid sa ama ng aking pamangking si Aeko sa dahilan ng kawalan ng ambisyon nito sa buhay. Nagsumikap ang ate ko na magkaroon ng daan ang buhay nila ng kanyang anak, nakilala nito si Kenneth Oliver Burnett na isang amerikano sa pamamagitan ng “Chat” sa inernet, dito bumalik ang ginhawa namin sa buhay. Hulyo 11, 2009 ipinagdiwang namin ang isang taon ni Aeko sa Jollibee Mall tulong na din ng fiancee ng aking kapatid na babae, imbitado lahat ng angkan at kaibigan, naging masaya ang gabing iyon dahil na din sa liagayang dala sa amin ng aking pamangking si Aeko, nakatanggap ng sari-saring regalo galing sa mga ninong at ninang at ako ang nagsilbing tagakuha ng letrato sa lahat. Ilang buwan ang nakalipas sinamahan ko ang aking ina at ang aking kapatid na babae sa embassy upang mag file ng mga papeles nito sa kanilang pag alis patungong amerika, kasama din ako sa pagkuha namin ng aming pasaporte sa Lucena City.

                    Lumipas ang ilang buwan at fiesta na ng aming bayan sa San Pablo City, naghanda kami ng iba’t ibang klase ng pagkain upang ipakain sa mga bisita ng aking mga kapatid at bisita ko din, tumulong ako sa paghahanda at ng tumuntong ang buwan ng mayo, ang buwan na kung saan paalis na ang aking kapatid na si Akiko at aking pamangkin na si Aeko patungong Nashville Tennesse, USA , umalis kami sa aming bahay ng ala una ng madaling araw patungong paliparan at hinatid namin ito hanggang sa gate ng airport  at naghinatay hanggang sa ito ay makasakay ng eroplano, hindi naging madali sa amin ang pagtanggap sa pag alis ng aking ate at aking pamangkin, ilang buwan din kaming malungkot sa bahay at laging nag iiyakan sa gabi dahil na din sa lungkot na dulot ng  pag alis ng dalawa, ilang buwan ang nakalipas nakatanggap kami ng e-mail sa internet na magpapakasal na ang aking ate at nobyo nito na si Ken at duon naging masaya ako dahil sa pagtanggap ng mga amerikano sa aking pamangkin na hindi naman nila kadugo at hanggang sa kasalukuyang panahon ito ay kanilang minamahal at tinuturing na kadugo. 


            Naging maganda ang kinabukasan ng aking ate sa amerika at ng aking pamangkin dahil na din sa pamilyang kinakasama nito at ngayo’y nagtatrabaho bilang isang care giver doon at nurse attendant  naman ang aking kuyang si Ralph sa San Pablo City General Hospital na ipinagawa ng ating punong lungsod na si Mayor Vicente Amante. Nang maranasan ko ang JS Prom na sinasabi ng nakararami inilaban ako ng aking guro bilang “King and Queen of the Night “ kaya ipinagpagawa ako ng aking ina ng isang magarang pulang kasuotan “Cocktail Dress”, itinanghal ako bilang Queen of Hearts noong gabing iyon at nakatanggap ng isang kumpol na bulaklak at nagkaron ako ng pangalan sa Dizon High at iyon ang nagpalakas ng aking loob upang ituloy ang daan ng aking pag aaral at ng aking buhay. Ngayong nasa ika-apat na baitang na ako ng aking pag aaral sa Dizon High bumaba ang aking section naging section E ako at hindi ko na naging kaklasi ang aking mga kaibigan  naging adviser ko si Ginang Calanasan na napaka bait at tinulungan ako sa aking marka na hulog sa science.Nagkaroon kami ng ibat ibang paligsahan tulad nalang ng “Cheerdance”kumuha ang mga kaklasi ko na magtuturo sa amin at ang nakuha nila ay si jhay jhay at joseph sila ay isang mahusay na mananayaw tinuruan kami bawat step ng sayaw ngpractice kami sa may pamanahall at tuwing hapon naman ay sa oval inaabot kami hanggang 5pm lang ng hapon naging masaya naman kami kahit nung umpisa ang mga kaklasi kong lalaki at iba pang mga babae ay pasaway lahat kami ay naging masaya eto na yung araw na labanan at ng magsimula hanggang sa matapos hindi namin inakala na mananalo kami kahit pang apat na place naging masaya ang lahat at pagkatapos huminge kami ng pasasalamat sa nagtuturo sa amin.


Marami pang mga naganap na pangyayari ngaun sa aking pag aaral tulad nalang JS at iba pa.Sa aking patuloy tuloy na paglaki marami pa akong gustong gawin sa buhay ko at para na rin sa aking pamilya marami akong magagawa na mas higit pa sa nagawa ko noon.

Tuesday, February 22, 2011

Ang Talambuhay Ni Angel Karen Samsaman

Ang Aking Talambuhay
                Ako si Angel Karen M. Samsaman, labing anim na taong gulang. Kasalukuyang nasa ika-4 na taon na ng sekondarya sa Pampublikong Paaralan ng San Pablo Laguna, Ang Col. Lauro D. Dizon Memorial National Highschool.
ako yan !
                Ipinanganak ako noong ikadalawampu`t pito(27) ng Disyembre taong isang  libo siyam na raan siyam napu`t apat(1994). Sa Brgy ng San Joaqin lungsod ng San Pablo. Pangalawa ako sa mga anak nina Julia Samsaman at Francisco Samsaman, tubong San Pablo Laguna at taga Brgy. San Joaqin ang aking ama na sa kasalukuyan ay isang Security Guard sa Panlalawigan Pagamutan ng Laguna(PPL). At mula naman sa Tanauan Batangas ang aking ina, na simpleng maybahay lamang.
                Kami ay binubuo ng limang miyembro sa aming pamilya, tatlo kaming magkakapatid, dalawang babae at isang lalaki. Si Katherine Aira ang panganay at si Franz Kyle ang bunso.
                Brgy. San Joaqin, San Pablo City. Dito nagsimula ang lahat kung saan namulat ang aking isipan sa mundong aking ginagalawan.Dito ako nagsimulang matuto ng maraming bagay mula sa aking kamusmusan hanggang sa aking pagdadalaga. Saksi rin ito sa maramig bagay na sinuong ng aming pamilya.
kami ni ate :)
                Taong dalawang libo(2000) ating balikan, limang taong gulang ako ng mag-aral ng Day Care sa aming Brgy. sa pangangalagfa ni Mrs. Ma. Teresa Subijano. Lagi akong nagpapahatid sa aking ina tuwing  papasok at sa oras naman ng awasan ay dali-dali akong umuuwi para makipaglaro sa aking mga kababata . Ang paburito naming laruin ay ang bahay-bahayan at tagu-taguan. At taong dalawang libo`t isa(2001) ako ay nakapagtaos at nagging ikatlong pinakamahusay na may mag-aaral.
                At noong taong ding iyon, buwan ng hunyo, ako ay pumasok ng elementarya, kung saan nagging guro ko din at tagapayo ang paboritong guro ng aking kapatd na si Katherine Aira. Naging paborito ko rin tuloy iyon, siya ay si Mrs. Filipina Benjamin na ngayon ay nasa Paaralan ng Central, Noong una siya ay si Miss. Filipina Panganpa, at dahil sa nakapag-asawa napalitan ng Benjamin at napalipat sa Central. Napakabait niyang guro sa amin kaya`t hinding-hindi ko siya makakalimutan.
kinder ako nyan :)
kinder graduation !
                 Naging guro ko naman sa ikalawang baitang si Mrs. Austria, na ninang naman ng aking kapatid na bunso. Dati Ms. Manalo ang kanyang apilyido noong hindi pa niya napapangasawa si TiyoAriston. Ngayon siya ay nasa ibang bansa na.
                Sa ikatlo, ikaapat at ikalimang baitang iba`t-ibang guro naman ang aking nakasalamuha sa bawat isang taon ng kanilang pagtuturo.Naging bahagi rin ako ng Doxology dancer sa aming paaralan sa taunang pagasali dito nanasa ang aking talento at nagkaroon din ako ng lakas ng loob para humarap sa maraming tao.
                Naranasan ko rin ang magtinda sa canteen ng mga champurado, lugaw at batsoy. Naranasan ko rin mag-ambuna kung minsan dahil may kulang sa paninda. At sa ikaanim na baitang, taong dalawangpung  libo`t lima(2005) hangang dalawampung libo`t anim(2006),nagging guro ko naman si Ms. Sarah Q. Pornobi isa siya sa pinakamahigpit kong naging guro at mahilig din siyang magpabunot ng puting buhok sa kanyang ulo. At sa aming pagtatapos nagkamit rin ako ng mga gantimpala bilang isng batang malinis at mapagkakatiwalaan.
                At noong ako ay nakapagtapos na ng elementarya, sa SPCNHS o mas kilala sa tawag na City High naman ako nag-aral ng sekondarya. mas malapit kasi ito sa bahay ng aking tiya. Kaya ito ang paaralang napili ko. Subalit isang taon lamang itinagal ko doon at lumipat ako sa Col. Lauro D. Dizon MNHS, kung saan nag-aral ang aking kapatid na panganay.
                Ako ay napabilang sa 2-E taong dalawang libo`t pito(2007) ang aking nagging tagapayo ay si Ms. Claire Rivera na ngayon ay si Mrs. Dioso na. Tandang –tanda ko pa noon ang una kong mga nagging kalapit ng loob sa aking mga nagging kaklase ay sina Lanie Gay, Zarah, Zylene, Lacap kaya sila ang mga una kong nagging kabarkada. Hanggang sa ngayon nga ay mas lalo ko pang nakilala ang aking mga kaklase kaya ayon dumami na rin ang aking mga kaibigan.
                Naranasan ko na rin makasali sa play tungkol sa Florante at Laura, ang ginampanan ko pa nga noon ay isang mang-aawit. nakakalungkoy dahil hindi kami nanalo ngunit ayos lang iyon dahil nagging parte kami ng play na yon, Masaya naming kahit hindi nanalo.
                At noong ako ay nakarating na sa pangkat 3-E, yung mga kaklase ko noog 2nd year ay mga nagging kaklase ko rin sa 3rd year, kaya nung unang pasukan ko ng 3rd year mga kilala ko na sila. At ang nagging tagapayo ko naman noon ay si Mrs. Baylon ang pinakamabait kong guro. Hinding-hindi ko rin makakalimutan nung nakilala ko si jonas Otilla, nagkaroon ako ng paghanga sa kanya dahil ang bait niya. Ang saya ko rin noong Pebrero labing tatlo(13) kasi JS Prom namin noon. Isinayaw nya ako kaya ako ay Masaya noong gabing iyon.
                At yung nga nakatuntung  na ako sa pangkat  4-E at ang pangalan naman ng aking tagapayo ay si Mrs. Marife Calanasan hanggang sa ngayon ay nadagdagan na naman yung mga kaibigan ko. Ahm nagbuo pa nga kami ng barkada eh, Best Friend Forever o BFF kung tawagin. At ang pangalan ng aking mga BFF ay sina Eden, Shara, Lanie, Khat, Giselle, Jehane, Lorenzo at Lacap. At hindi pa doon nagtatapos, nagbuo rin kami ng grupong Friendship. Kami-kami yun nila Eden, Shara, Nicole, Culeen, Lanie, Khat Christina, Cathy, Lorenzo. Masaya ako at nakilala ko sila, ahm sa kanila ko lang nakita ang tunay na kahulugan ng pagkakaibigan. natatandaan ko laban naming noon ng cheerdance, nung nagprapraktis kami ay ang tamlay-tamlay namin. Tapos noong oras na talaga ng labanan disididong disidido na kami na hindi manalo. Biglang tinawag an gaming seksyon ang 4- Exuberant. Tuwang-tuwa kami, halos magkandarapa na kami, hindi naman kasi aakalain na magiging pang-apat pa ang aming seksyon. Ang saya-saya talaga naming noong araw na iyon.

                 At dumating na naman nung araw ng Pebrero labing isa(11), nagkaroon na naman kami ng JS Prom. Ang tema pa nga noon ay HAWAIIAN ngunit kakaunti lang ang  sumali. Hindi sana ako sasali kaso pinilit ko sila inay. Sayang nga at hindi sumama yung dalawa sa BFF ko, si Eden at Lorenzo hindi tuloy buo ang BFF. Ang akala ko nung una ay mapanget ang temang Hawaiian, ngunit nang nandoon na ako ay ang ganda pala, kasi para kaming nasa Hawaii. Hindi ko lubos akalain na magiging Masaya pala yung party na yun. Hinding-hindi ko rin makakalimutan  noon ay ang first dance ko ay si Jonas ang saya ko nung oras na yun tapos ang tugtog pa ay one last song. Sobrang puyat na puyat na ako nun kasi mga 5:00 na ako ng medaling araw nakauwi. Tapos pagkauwi ko ay natulog na ako, ngunit gumising ulit ako noon ng 8:00 ng umaga. Dahil mageensayo pa kami ng sayaw, kasi mayroong program na naman sa amin noon tungkol sa search for Ms. and Mr. Valentine`s eh SK Kagawad pa ako sa barangay namin. back up dancer  kami nina Jona, Princess, Marinel, Echo, Maribel. Pagkatapos ay 9 na ng gabi nagsimula yun at natapos ng 3 ng madaling araw. Dahil mayroon pang party ginanap sa court. Ngunit 12 ng hating gabi na ako umuwi noon kasi inaantok na ako. Mabuti na lang ay mayroon akong nakasabay sa pag-uwi. At noong Valentine`s Day wala lang hindi masyadong masaya, dahil walang ka event-events, kakaboring nga yung araw na iyon.
                
me and my groupmates :)
                 Napakasaya naman namin nina Lanie, Khat, Eden, Badet, Nicole, Shara, Catamen, Aileen, Jazz, Arlyn, Dizon, Odie noong pebrero labing siyam(19) sabado noon. Nagshooting kami noon sa libingan nakakatuwa nga, at pagkatapos naming magshooting noon sa libingan, ay nagpunta naman kami kila Badet sa San Juan upang doon naman ishooting ang panalawang scene. Ang saya noon kasi pinagmiryenda kami noon ng nanay ni badet ng pansit ang sarap-sarap nga nun at yung tatay ni Badet ay kumuha nang isang case ng RC, basta hindi ko yun makakalimutan.
                
                      Sa pananatili ko dito sa Dizon High, masasabi kong mas maganda ang paraan ng pagtuturo at nagging masaya rin ako dito.                   

Ang Kasalukuyang Kwento ng Buhay ni Dustin Reyes

Nung 1 yr old ako


Ako si Dustin Marko Reyes, anak nina Wilson Reyes at Elisa Reyes. Pinanganak sa San Pablo Doctors Hospital noong Disyembre 03 1994 sa ganap na ika-alas tres ng madaling araw. Noong unang taon ko dito sa mundo ay madami nang itinuturo ang nanay ko sakin, katulad ng pagkakaroon ng takot sa diyos. Ako ay nag simulang mag aral noong ako ay pitong taong gulang sa San Pablo Central School. Doon ako hinubog na maging maayos  at mabait. Kapag ako ay nag bibirthday ay binibigyan nila ako ng laruan at pinapakin sa restaurant at kung minsan ay nagpapahanda na lamang sa bahay, nung una pa nga ay pinaghanda nila ako sa aking school nung ako ay Grade 1 pa lamang . Magaling ang pagpapalaki sa akin ng aking ama at ina. Nagtapos ako ng pag aaral noong ako ay 13 taong gulang. Habang ako ay lumalaki ay marami akong natututunan sa mundo, katulad ng pakikitungo ng mabuti sa iba’t ibang klase ng tao. Ako ay likas na masayahin at kung minsan ay makulit at walang kibo dahil ako ay nasanay sa pagiging tahimik.

        Noong ako ay tumungtong ng hayskul ay madami na naman akong nakasalamuha. Nag aral ako sa Colonel Lauro D. Dizon Memorial National High School. Ngunit hindi pa nagtatagal ang pamamalagi ko sa school ay nagkaroon ako ng sakit sa mata. Hindi ako nakapasok ng 3 buwan dahil nga sa aking sakit. Palagi akong pabalik balik sa ospital dito sa San Pablo dahil nga sa aking nasabing sakit. Ngunit hindi malunasan ng doktor dito ang aking sakit kaya naman ako ay inireffer sa Philippine General Hospital o kilala bilang PGH sa maynila, siguro mga dalawang beses sa isang linggo ako nagpapabalik balik para lamang magpagamot. Higit kumulang nasa 50,000 ang aming nagastos dahil madaming proseso ang ginawa para lamang makita kung ano ang aking sakit, katulad ng pagtuturok sa akin para makita kung may reaction ang gamot sa aking iinumin. Na CT scan din ako, tiningnan ang loob ng aking utak at likod ng aking mga mata, hinanap nila kung may bukol ito, sa awa ng diyos wala namang nakitang bukol kaya, akala ko nga noon ako ay maooperahan dahil sa pamamaga ng aking mga mata pero nakuha naman sa gamot ang sakit ko. Inabot ng mahigit kumulang na isang taon ang aking pagpapagamot sa maynila kaya sa Sta Rosa muna ako tumira para hindi mahal ang gastos sa pamasahe. Hindi naglaon ay gumaling na ako at nakuha na rin sa gamot gamot lamang, hindi na kinailangan ng opera. Patuloy pa rin noon ang pag inom ko ng steroids, dahil sa steroid eh nanaba ako haha. Sa saborang katabaan ko eh tinutukso na ako ng mga pinsan ko ng ako daw ay tomboy, muka daw kasi akong tomboy kahit hanggan ngayon pero hindi din inabot ng isang taon ang aking pananaba kaya nung nag balik ako sa aking school, nanibago ang aking mga kaklase dahil sa aking biglaang pagtaba, ngunit unti unting akong namamayat dahil hindi na ako umiinom ng steroids, ayun ang may dahilan kung bakit ako nanaba.

            Bumalik ako sa school para ituloy ko ang aking pag aaral ko dahil ayokong masayang ang aking nasimulan. Nahirapan akong mag adjust dahil mas advance na sa akin ang aking mga kasama sa loob ng classroom ngunit pinilit ko pa rin makipagsabayan kahit na alam kong mas nakararami sila ng nalalaman dahil sa 3 buwan akong nawala pero sa wakas sa kabutihang palad mabilis naman akong natuto. Madami akong naging kaibigan nung tumagal tagal. Noong nag 2nd year na ako, mas dumami ang naging kaibigan ko dahil madami ang nadagdag sa section namin. Medyo nahirapan ako sa mga subject dahil pahirap ng pahirap katulad nung 1st year ako kailangan ulit mag adjust. Nakausad naman ako.


enchanted kingdom w/ my couzins
      Kapag naman ako ay nagbabakasyon ay palagi akong nasa Sta Rosa dahil doon walang limitasyon ang ginagawa katulad ng pag gagala kung saan saan at masaya din kasama doon ang aking mga pinsan dahil sa ako ay lagi nilang nililibre. Kung minsan ay pag siswimming ang aming natitripan, kung minsan ay pumupunta kami sa Enchanted Kingdom. Masarap sila kasama, masarap din naman kasama ang aking mga pinsan dito sa San Pablo, maraming tawanan at asaran. Noong ako ay nag third year, marami na naman ang aking nakilala at sa iba ay ako’y sanay na. Dito, naisipan naming gumawa ng banda para sa school at ako ang napili nilang maging vocalist :DD . At noong ako ay muling nagbakasyon sa bahay namin sa Sta Rosa ay nagkita kita na naman kami ng aking makukulit na mga pinsan.


Baguio Photoshoot


       Nagsimula na naman kaming mag gala kung saan saan, dito nakarating kami ng baguio at doon ako nag simulang mag “photoshoot” sa may “Bell Temple”.  Dito din namin masayang nilibot ang City Of Baguio. Mraming karanasan at maraming tanawin ang natunghayan. Masaya kaming nag libot sa Strawberry Farm at sa iba't iba pang scenic spot ng baguio. Nagkulitan kami at pagdating ng gabi ay kami ay nasa galaan pa din, halos kami ay pagalitan na ng tita namen dahil sa sobrang lamig sa labas ng bahay.






Magazine Cover (facebook)
       Noong nag dating ang Mayo, ay madami na akong nasalihan na mga Modeling groups, kinukuha ako ng Frontrow enterprise para mag Model sa kanilang produkto, at kinuha din ako ng Star Magic Teens para maging kanilang New Talents pero tinanggihan ko ang opportunity na ito dahil akala ko ay scam lamang ito, madami ang nasayang na oportunidad dahil sa hindi ko pa masyadong alam kung dapat ko bang tanggihan o tanggapin ang kanilang inaalok. Ngunit sa ibang modeling group na aking kinasasalihan ay nagawan na nila ako ng tinatawag na “picture Tag”, ito ay hindi para sa mga Magazines kundi para sa social sites katulad ng Facebook. Dahil dito, nagkaroon ako ng kaibigan sa Metro Manila at madali na akong makakapunta doon kung kinakailangan at mayroon akong matutuluyan. Hindi man ako kasikatan ngunit ako ay nakilala ng bahagya dahil sa pagmomodel ngunit walang nakakaalam ng aking aktibidad na ito dahil ayokong ipagyabang sa lahat ang pagkakaroon ng gawaing ito, hindi din naman ako kumikita ngayon dahil sa ako ay hindi professional model, kumbaga parang pang Ramp Model lamang, maraming talent scout ang nagsasabi sa akin na magpataba muna at magpalaki ng katawan para ireffer nila ako sa iba’t ibang pampublikong modelo. Nagdaan ang mga araw at dumating na naman ang pasukan, madami na naman akong bagong nakilala :DD (paulit ulit) dito ko nakilala ang hanggang ngayon ay aking kasama na sina Catherine Camille Devanadera, Christina Catamen at Ricky Tenorio, hanggang ngayon ay palagi kaming nag pupunta ng Ultimart para lamang mag laro sa Fun House pagkatapos ng aming klase sa hapon, kaya naman araw araw ay kami ay magkakasama. Sa ngayon ay ako ay excited para sa feb 24 o 25 para sa darating na School concert dahil isa ako sa mga magpeperform (sana matuloy) :DD . Hanggang dito ko na lang muna maikekwento ang aking buhay :))) Salamat sa pag babasa.


Kasalukuyan AKO


Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Lanie Gay Puhanes

     Ako si Lanie Gay B. Puhanes anak nina Rodelo Puhanes at Mina Puhanes.Ipinanganak ako noong Nobyembre 22,1993.At sa pagmamahalan nila nakabuo sila ng walong anak.Sa walong anak hati kami sa apat,apat na babae apat na lalaki.At pang anim naman ako sa panganay.







      At sa walong anak nina tatay at nanay 6 na ang may asawa at tatlo na lang kaming walang asawa.Dati lagi kaming nag-aaway ng kapatid ko lagi kaming nagsasabunutan at nagsusumbungan.Sa pag susumbungan naman namin ay kaming dalawa din ang napapagalitan minsan papaluin kami at pag-alam na papaluin na kami karipas na kami ng takbo sa loob ng ng bahay namin at biglang taklob na kumot.At nang mag kaasawa na ang nakakatanda sa akinhindi na kami nag-aaway naging close na kami sa isa`t isa at ako din ang nag-aalaga ng anak nya minsan pag wala siya.Sa walong anak ni tatay bali tatlo na lang ang walang asawa lahat ng naiwan na walang pang asawa ay nag-aaral pa.Ako sa dizon napasok  at fourth year high school na ako at sumunod naman sa akin ay second year high school naman sa City High naman siya napasok at ang bunso naman naming kapatiday elementarya palang grade five na siya ngayon.Masaya ako kasi kahit kami na lang ang natitira ay magkakasundo kami sa isat-isa at hindi kami nag-aaway-away minsan lang  kami nagkakagalit-galit pagka hindi nagkakaunawaan.  


    Noong bumabagyo, September twenty eight,two thousand eight ay naging masaklap sa tao lalo na sa amin kasi noong bumagyo sa amin ay fiesta pa ay hindi naging masay kasi walang handa ang mga tao sa San Gabriel kasi gawa nga ng bagyong milento.Ng bumuhos ang malakas na ulan ay nagtalsikan ang bubong namin at pinasok ng tubig ang aming bahay kaya lumipat muna kami ng bahay sa isa kong kapatid na may asawa na.Doon muna kami nagpalipas ng gabi at nang kina umagahan binalikan namin ang bahay namin at inayos ang bubong na sumalimpad.At ginawa naman naming magpipinsan at magkakapatid ay naligo sa ulan at nagpaltukan ng putik.Meron kaming tanim na lansones at rambutan ngunit naputol ang mga puno at nagbagsakan ang bunga at dahil dito pinagkukuha namin ang mga nanlaglag na bunga agawan pa nga kami ng mga pinsan ko sa mga bunga ang hindi ko alam sa pagtakbo ko at nahulog ako sa balon na pinag-uulingan ng aking kapatid pinagtawanan nila ako at ako naman ay tumawa din.
Mardigra
Me w/ my Cousin
     
At sa mga pangarap ko,gusto kong maging nurse,chef at maging doctor.Sa lahat ng mga isinulat kong ito ay gusto ko itong matupad kaya sa lahat lahat ng tumulong sa akin ay nagpapasalamat ako.   THANKS =))      

Ang Talambuhay ni Catherine Camille Devanadera

     Una sa lahat ako ay nanggaling lamang sa simpleng Pamilya,pero kahit ako`y nanggaling sa simpleng pamilya pinalaki ako ng aking mga magulang ng may takot sa DIYOS at may paggalang,tinuro din sa amin ang maging responsible sa mga bagay at respeto sa opinion ng iba .At alam ko rin na mahal na mahal ako ng aking magulang ko at kaya nilang gawin ang lahat para sa ikasasaya ko.




one year old ako


    Una sa lahat gusto ko munang ipakilala sa inyo ang aking sarili;Ako si Catherine Camille Navarro Devanadera.Anak nila Henry Garcia Devanadera at Ma.Concepcion Navarro Devanadera .Isinilang noong Pebrero 25,1995,sa Malolos Bulacan sa ganap na 3:00 na umaga .Ako`y labing limang taong gulang na nasa ika-apat na antas ng sekondarya sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School.Sa pagsisikap ng aking mga magulang ay makakatapos na ako ng sekondarya.Samantalang ang trabaho naman ng aking mabuting ina ay isang may bahay lamang samantalang ang aking ama naman ay jeepney driver at ang pangalan naman ng aking nag-iisang kapatid ay Harold Navarro Devanadera.Ako ang panganay sa aming dalawa.Ang aking kapatid ay nasa ika-ung baiting sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School.
me with my family :)
  Ang sabi ng aking mga magulang at iba pang kamag anak ng ako daw ay ipinanganak ni mama ay laking tuwa nila at tinawag nila akong “Munting Anghel”.At ng inuwi na nila ako sa bahay naming aymaraming dumalaw at tiningnan nila ako.Ang sabi ng mga dumalaw sakin ay cute at malusog daw ako at sinabi din nila na malayo daw ang mararating ko.At ang sabi sa akin ng aking mga magulang ang unang salita ko daw ay mama at doon lalo silang natuwa sakin.At ng ako`y nag isang taon na nagging madaldal na ako at madiriin sa nga bagay at mga pagkain na hindi ko alam.Maselan din daw ako sa mga kinakain ko.At ng ako naman ay nag tatlong taong gulang na lumipat na kami ng bahay dito sa San Pablo City dahil dito gustong mamuhay ng aking papa dito daw nagsimula ang maraming pagsubok sa buhay naming.Tulad ng mawalan ng trabaho ang aking trabaho ang aking papa dahil sa na ospital ako,dahil din sa pagkakaospital ko ay nawala ang sasakyan naming at napabenta ito.At pagkatapos naman ng dalawang taon nakahanap na siya uli ng permanenteng trabaho,dahil dito tinaguyod at naiahon kami sa hirap.ng ako ay nagsimulang pumasok ay nasa idad ako ng anim marami akong karanasan na hindi masyadong malinaw sa aking  isipan at may natandaan naman ako tulad ng pagsali ko sa mga contest sa aming paaralan at naging 3rd honor din ako kaya ang saya ng aking mga magulang. Ng tumungtong na ako ng unang baitang ng elementarya at nakatapos ng kinder garten ay pumasok na sa isipan ko na dapat ay makatapos ako ng pag-aaral at hindi dapat tumulad sa iba na walang natapos at hirap sa buhay. Ng ako ay grade 4 ay inilaban ako sa mr/ms valentine at nanalo ako ng best in gown at naisipan ko din na sumali sa banda at dito ay naging miyembro ako nito at naging majorite.Nung una nahihirapan ako na gumamit ng baton pero ng tumagal ay natutunan ko din.Ng tumuntong naman ako ng ika-limang baiting ay mas pinag-butihan ko pa ang aking pagsasayaw at pagbabanda at dahil sa pag pupursigi ko ay naging leader ako ng banda naming at ipinanlalaban din kami sa sayaw  sa iba`t ibang paaralan at ang pinaka kinasasabikan namin ang pagtungtong ng ikaanim na baiting mas naging masaya kami pero may kasamang takot dahil magkakahiwahiwalay na kami ang hindi ko makakalimutan dito ay ng nagsiiyak pati mga lalaki at mga guro namin pero ito din ang pinaka masayang araw at 
my 7th birthday
parte ng buhay ko. Pagkatapos ng aming graduation ay nagsamasama kami at pumunta kami sa bahay namin at dito kami kumain ito ang huli naming pagsasama sama ng buwan na yon dahil natagalan bago ulit kami magkakasama sama kaya sinulit na naming ang masasayang araw ng pagka isip bata.Ng ako ay tumuntong na sa ika-unang baitang sa high school at nung una ay nahihiya pa ako wala pa din akong masyadong kakilala noon dahil iba na ang mga kaklase ko ngunit may isang tao ang hindi nahiya sa akin at nakipag kaibigan agad,siya ay si Catherine Lirio siya ang una kung naging kaibigan hanggang magdagdagan pa ang mga taong naging malapit sakin .Wala pa din akong pakealam sa pag-ibig dahil nakatuon ang aking isip sa pag-aaral at dahil ditto kahit may gusting manligaw  sa akin ay hindi ko pinapansin at sinasabi ko na lang na hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kanila dahil wala pa talaga akong balak mag boy friend.

        Ng tumuntong naman ako ng 2nd year high school ay dumami pa ang pagsubok ko sa buhay dito ako unang natutong mag-inom,dito din unang beses akong mawalan ng ina dahil kailangan talaga niyang mag-ibang bansa,dito din ako nahirapan mag adjust dahil unang beses kong naranasang mawalay sa piling ng aking ina.Nahirapan din ako sa mga gawaing bahay dahil hindi ako sanay sa mga gawaing bahay.Marami siyang itinuro sa akin ngunit hindi ko naman sinunod.ditto ko rin unang naranasan kung paano magloko sa pag-aaral dahil hindi ako sanay ng wala sa piling ng nanay ko.Naghahanap din ako ng atensyon ng isang ina na malayo sa anak sobrang hirap talaga pag malayo saken ng aking ina at ang tanging nag-aalaga sakin ay kundi ang aking ama.Wala kang masasabihan ng problema at hindi ka makapag-open ng kahit ano dahil nahihiya ako sa aking ama dahil hindi naman niya maiintindihan ang mga nagiging problema ko.Nakakapag sabi lang ako ng problema ko sa mga kaibigan ko o kaya naman ay humihingi ako ng mga payo sa mas nakakatanda sa akin.Minsan naranasan kong magkaroon ng problema sa aking pag-aaral hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa aking ama dahil natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo. Ang nagawa ko lang na paraan ay ang makipag-inuman sa aking mga kaibigan akala ko ay mawawala ang aking mga problema ngunit mas lumala pa ang naging problema ko,hindi koalam kung paano ako magpapalusot kay papa.Doon napagalitan nya ako ng sobra at doon din unang beses nya ako sinaktan.Napaiyak ako ng sobra dahil dito hindi ko akalain na magagawa sa akin ni papa yon.Kinausap ako ni mama at pinangaralan nagtino naman ako sa pakiusap nya.


high school friend :)
           Ng tumuntong naman ako ng ika-tatlong baitang ng sekondarya akala ko ay maiiwasan ko na ang mag-inum yun pala hindi pa nakipag-inuman pa rin ako sa mga kaibigan ko.Dahil dito ay nalulong na ako sa alak hindi na din ako nakakapasok matagal akong hindi nakapasok kaya madami akong binabang marka,Dahil ditto ay pinatawag ang aking magulang ngunit hindi ko naman sinabi sa aking papa,dahil dito ang guro ko na ang gumawa ng paraan kaya nalaman ng aking magulang ang nangyari.Dahil ditto napagalitan ako ng sobra sa bahay.Nung una gusto na akong patigilin ng aking papa sa pag-aaral ngunit hindi pumayag ang aking ina.Dahil sa mga nangyari ay napilitang umuwi si mama.Dahil ditto ay inayo ko na ang aking pag-aaral ko.Nung una kala ko hindi ako makakapasa ng 3rd year buti nagawan ng paraan at nahabol ko pa at nakapasa ako.At ng nakauwi na si mama naging masaya na kami at ngseryoso na ako sa pag-aaral. At ng nasa ika-apat na baitang na ako  ng sekondarya nagtino nah talaga ako sa pag-aaral dahil gusto ko ng makatapos at masuklian ang mga paghihirap na ginawa sa akin ng aking magulang.Maraming mga masasayang bagay na hindi ko makakalimutan tulad ng nadagdagan pa ang mga tunay kong kaibigan,lagi akong masaya kahit may problema ako,ako yung tipo ng tao na tahimik pero kapag nakilala mo ako masasabi mong maingay din ako,siguro kaya ganito ang personality ko.Isa din sa hindi ko makakalimutan ay nakilala ko ang mga kaibigan ko tulad nila Cristina Catamen,Dustin Marko Reyes,Ricky Tenorio at higit sa lahat ang taong nagmahal sa akin ng totoo si JayCris Becina,masaya ako dahil nakilala ko siya.Siya rin ang tumutulong sa akin sa bawat pagkakataong may mga problema ako.Ngayon magtatapos na ako papunta na ako sa susunod na kabanata ng aking buhay.





me with my best friend dustin



 Salamat sa mga taong nagpapasaya sa akin hindi ko kayo makakalimutan. SALAMAT :)

muse.representative of 4E.

ANG BABAENG MATATAG (TALAMBUHAY NI BERNADETT RETARDO)


Ako si Bernadett Retardo,pinangak noong Marso 16,1994 at ang aking ama’t ina ay sina Emelita Retardo at Bernardo Pasis.Apat kaming magkakapatid at ang mga pangalan nila ay Gilbert Retardo,Lecxis Retardo at Karen Retardo.Ang tatandaan ko at noong bata pa ako ay lagi akong kalong ng mama ko at mga tita ko.Ang papa ko naman ay hindi ko pa nakikita kahit isang beses kasi sanggol palang ako eh hiwalay na sila ni mama ko.Hindi ko alam kong bakit sila nag hiwalay,kasi iba ang papa ko sa aking mga kapatid,at iba din ang papa nila.

baby ako


Hanggang sa lumaki ako at nag dalawang taon gulang ako pinag handa ako ng mama ko pero hindi ko na yon natatandaan pero nakita ko sa mga larawan na buhat pa nga ako ng tita ko eh.Pero hindi ko nakikita si mama doon sa mga larawan ewan ko lang kung nasaan yon noong nag pipicturan sila haha.Isa pa nga pala ang pinaglihian daw ng mama ko sa akin ay pasas,yon daw ang hilig na hilig noong pinag bubuntis niya ako.Hanggang sa nagkaroon ng ako ng parang pasas sa kanang balikat ko.Sa San Lucas II San Pablo City kami nakatira noon.

2 years old birthday ko


Hanggang naging anim na taon naman ako eh,pinapasok na ako ng mama ko ng kinder sa San Lucas II San Pablo City at kakalase ko pa nga ang pinsan kong si Rose Ann Retardo.Ang sabi pa nga sakin ng mama ko at tita ko eh tulog lang daw ako ng tulog pero sobrang bait ko lang daw noong bata ako.Kasi naman daw kapag may taong dadating o kaya ay may bumibisita sa bahay eh hindi daw ako nalabas nakasilip lang daw ako sa may pintuan naming ahaha.Hindi ko aakalain na ganon ako eh kasi naman pag may tao samin o bumibisita ngayon na dumadating samin ay lumalabas agad ako at nakikinig ng mga pinag uusapan nila haha ganon ako ngayon.Ang tawag nga nila sakin ngayon ay Korina sapagkat napaka daladal ko daw.At noong bata pa ako eh ang hilig ko ay matulog sa basahan hindi daw nila alam kung bakit gustong-gusto kong matulog sa basahan at basahan pa daw ang ginagaw kong unan.



kinder ako


 
Medyo lumalaki na din ako at lagi kaming nag lalaro ng mga pinsan ko ang natatandaan kong nilalaro naming mag pipinsan ay yong bagang hari-harian at tapos kunyari nag lalaban-laban tapos meron ding mga kawal tapos natalo ng mga kawal yong mga bantay ng hari at ang hari pa nga noon ay ang pinsan kong si Cristoper Anggay.Hanggang sa naglabanan ang hari at ang hari ng ibang kastilyo tapos nag iispadahan sila hanggang sa nawala ang sipada nila parehas edi ang susuntukan nalang sila pero hindi naman ganoong sakitan sempre laro lang naman yon eh.Hanggang sa nabasag ni Kuya Thoper na isang hari at yong isang hari naman ay si Kuya Darwin yong malaking salamin sa taas ang nabasag naming kasi doon kami nag lalaro.Hanggang sa nakita ng lola naming hala! Hindi na talaga naming alam ang gagawin noon kasi maliliit pa kami noon.Tapos galit na galit samin ang lola naming na si Francisca Retardo istkicta kasi yon eh.Pinaludag kami ng pinalundag sa labas sa may semento pa grabe hindi kami pwedeng tumigil hanggang hindi sinasabi ng lola naming na tumigil kami sa pag lundag sobrang sakit na talaga ng paa at binti ko noon siguro yong mga pinsan ko eh ganoon din ang nararamdaman kasi naman pag tumigil kami sa pag lundag eh mas masakit ang gagawin samin kasi ang gagawin naman ay kapag tumigil kami sa pag lundag eh papaluin kami ng uyo yong bagang sa niyog basta kung alam mo yon eh ayon na nga yon ohh diba mas masakit yon?.At ang mga mama naman namin ay mga nasa giripo ang ginagawa nila ay naliligo ang iba naman sakanila ay nag lalaba kitang-kita nila ang pag lundag-lundag naming pero hindi kami kinunsinti ng mga mama naming.Pinabayaang parusahan kami ng lola namin kasi naman nagkasala kami as in nag kamali kami kasi nga nabasag namin yong salamin naming kasi kalaro din nila ako eh haha kaya pare-parehas kaming naparusahan ng lola naming ahaha pero pagkatapos noon eh nag tanda na talaga kami kasi ayaw na naming maparusahan pa muli.At hindi na din kami nag lalaro ng hari-harian na iyon haha.Bike nalng ang pinag lalaruan naming mag pipinsan at lagi lang akong angkas ahaha.Kasi naman hindi pa ako marunong noon mag bike kaya naman lagging angkas ng angkas sa mga pinsan ko.Masaya naman kaming nag lalaro ng mga pinsan ko at noong angkas pa nga pala  nila ako eh nag kasugat ako sa binti ang sakit nga tapos hanggang sa ngayon peklat pa din pero hindi na gaanong kita ahaha.Nag kasugat ako noon dahil gawa noong gulong habang natakbo ang bike eh nakadikit pala ang binti ko sa may gulong na umiikot.Yong nakita kong gasgasa grabe ang hapdi talaga noon hanggang sa tinuturuan naman ako ng aking kapatid na si Gilbert Retardo na mag bike.Hanggang san a tuto akong mag bike at marunong na akong mag bike noon kasi naman eh nakahawak pa sakin at sa bike si kuya Gilbert yon pala hindi na pala nakahawak sakin hanggang sa dere-dertcho ang pag babike ko ahaha gusto ko na talagang patigilin noon ang bike sa kagustuhan kong tumigil ako eh natumba ang bike sempre kasama na din ako sa pag tumba ng bike ahaha grabe sakit kaya ng tuhod ko noon dahil sa pag babike kong iyon at dibdib.Kasi naman nadali noong pag tumba sa bike yon hanggang sa paulit-ulit akong mag testing na mag bike tapos yon natutunan ko na rin saw akas ang mag bike haha ang saya-saya ko pa nga noon kasi marunong na akong mag bike at pag may inuutos ang lola naming papuntang tindahan ay ako na an gang sabi ko sa lola namin haha.Kasi naman sa kagustuhan ko din naman mag bike eh ako na ang bumibili gamit ang bike papuntang tindahan ahaha.



Hanggang sa nag asawa ulit si mama at si Crisaldo Lopez ang kanyang napangasawa noon at nagkaanak sila ng isa at bunsong kapatid kona yon ngayon.Nag tatrabaho itong step father ko sa Saudi hanggang sa umuwi sya ng bansa at nakita niya ang dating asawa ng mama ko na pinag awayan na agad nila.Sinaktan niya ang mama ko noon at kitang kita ko talaga iyon hanggang sa sinabi nitong step father ko na may kukunin silang package sa Manila galing Saudi.Edi si mama naman ay walang nagawa kundi ang sumama kasi pinilit itong isama.Gustong-gusto ko pa ngang sumama noon kaso hindi daw pwede ang bata doon.Doon na lang daw muna ako sa tita ko na si Emely Retardo na kapatid niya.Iniwan niya ako doon tapos sabi nya babalikan daw nya ako hanggang sa tumagal na nga isang linggong eh wala pa din sina mama.Yon pala wala kaming kaalam alam may ginawa ng kakaiba itong step father ko kay mama.Pinatay nya ang mama ko ng walang kalaban laban,wala syang awa na pag saksakin ang mama ko sa leeg at sa mga katawan niya at ang sabi ng iba ang dahilan daw noong pag patay niya sa mama ko ay pag seselos kasi nga diba nag away nga sila bago pumunta ng Manila.Grabe sobrang sakit siguro ng nararamdaman ni mama noong oras na iyon kasi sobrang dami naman talaga ng saksak.Mahigit na 35 ang saksak na ginawa nya sa mama ko sobrang lungkot ko talaga noon kasi sa murang edad ko nawala agad ang mama ko.At ang nangyari naman doon sa step father ko ay tumakbo at nag tago,ang sabi pa ng may ari ng hotel ay 3ng araw na daw walang lumalabas at nag babayad noong renta sa kwarto kung saan sila tumuloy.Edi ang ginawa na ng may ari ng hotel ay pasukin nila yon para malaman kung bakit wala ng lumalabas at nag babayad doon.Pag pasok nila nakita nila ang mama ko na nakahandusay sa kama na sobrang dami ng dugo.Sobrang lungkot naming ng malaman ang nangyari kay mama.Lalong lalo na ko kasi mama ko ang namatay kaya sobrang sakit para sakin.Hanggang sa nagalit ako sa step father ko sa nalaman kong ganoon na ang ginawa nya sa mama ko na walang awa talagang pinatay ang mama ko ganoon.Naisip ko nga noong bata pa ako na pag laki ko ay hahanapin ko yong lalaking pumatay sa mama ko at bibigyan ko ng hustisya ang pagkamatay ng mama ko.Kinder pa nga lang ako wala na agad akong mama.Wala na nga akong papa pati si mama nawala na din sakin kayang ang lungkot-lungkot talaga ng aking buhay.



At doon na nga ako nakatira sa tita ko na si Emily Retardo na kapatid ng mama ko kung san ako hinabilin.Inampon ako ng tita kong ito dahil inisip nya na wala na akong mapupuntahan kundi sa kanya.Kasi sa kanya lang naman ako iniwan.Hanggang sya ang nag palaki at nag paaral sa akin.Grade1 hanggang grade 2 ay sa Sariaya Quezon nya ako pinapasok kasama ko noon ay ang lola ko at ang kapatid kong si Gilbert at grade 6 ay sa Central na nya ako pinapasok.Hanggang nakagraduate ako ng grade 6 na walang umattend sa graduation ko kasi mga busy silang lahat kasi may mga trabaho sila grabe sobrang lungkot ko noon may nakikita pa akong mag ina na magkasama noon sobra ang iniyak ko noon kasi felling ko kawang kawawa ako sa sitwasyon iyon.


Hanggang nakagraduate nga ako ng grade 6.Pumasok naman ako sa Col. Lauro D. Dizon Memorial National H igh School.At noong 1st year pa lang ako ay may nakaclose na agad ako ang mga pangalan nila ay Meriel Millave,Jamille Molina at Trisha Robles.Masaya kaming 4 pag mag kakasama kami pag kalokohan pati noong 1st year palang ako ay nag kaboy friend kaagad ako grabe bata pa ko noon tapos nag kabreak din agad kami.At 2nd year naman nag kahiwa-hiwalay kami napahiwalay ako sakanila.Naging 2-E ako at 2-F sila dati kasi kaming 1-E ang lungkot ko nga noon  kasi hindi ko na sila kaklase.Kaboring kala ko wala na akong makakasalamuha yon pala meron anim pa nga kami eh ang mga pangalan nila ay sina Rica Maranan,Cristina  Catamen,Gizelle Brinas,Angelou delos Santos at si Mika Garcia.Ang pangalan naman ng aming group TGIS ang ibig sabihin ay tropang ganda inggit sila haha.Hanggang sa nag 3rd year na kami napahiwalay na naman ako sakanila 3-E ako at ang iba naman ay 3-F at 3-J grabe kainis talaga lagi nalang ako napapahiwalay sakanila.Hanggang sa nagkaroon ulit ako ng bagong barkada na ang mga pangalan nila ay Gizelle Sacdalan,Karen Samsaman,Cristina Torres,Allysa Santos,Jhen Sagala,John dail Hernandez,Lorenso Roxas,Lubilyn Quibral,Lanie Puhanes,Marielle Sermonia at Jane Valerio.Ang dami namin noh? At ang pangalan naman n gaming group ay KSM grabe dami talaga naming kaingotan na pinag gagawa namin at napapaaway kami yong iba naman ay humiwalay sa grupo naming gawa ng lagi nalang nagiging puno’t dulo ng gulo ang grupong ksm kaya umalis sina Karen Samsaman,Lanie Gay Puhanes at Jehanne Macatangay ay si Eunice
at tulong-tulong kami sa anumang bagay hindi kami nag iiwanan ang saya talaga
masaya naman kami hanggang sa nalampasan naming lahat ng pag subok sama-sama at tulong-tulong kami sa anumang bagay hindi kami nag iiwanan ang saya talaga naming noong 3rd year kami grabe.

Kasalukuyang nasa 4th year kami ngayon napahiwalay naman kami ni Cristina Torres sa ksm.Ang ibang ksm ay naging 4-F at 4-D at hindi nga pala kami naging close ni Cristina Torres kasi noong 3rd year palang hindi na talaga kami mag kasundo merong siyang barkda sa room namin at meron din naman ako.Ang nakaclose ko naman ay si Meriel K. Millave ang tawag ko sa kanya ay BHEST kasi sya ang bhest ko sa room naming haha pati mabait sya tinutulungan niya ako sa lahat ng bagay na hindi ko maintindihan,pero noong 3rd year hindi kami mag kaklase ni bhest noong 1st year at ngayong 4th year lang kami naging mag kaklase.




with my bhest Meriel



Masaya kami noong nag papractice kami ng cheer dance para sa mini Olympic pero minsan kainis din kasi kainitan na nga tapos ang iba pa ay hindi nakikiisa pero kahit ganoon Masaya padin kami.Tapos kami pa ang nanalo sa cheer dance at 4th place pa nga kami doon.






mini olympic
Tapos nag sci camp sila at sempre kasama ako doon.Kami ni bhest ang mag kasama noon sa partypips na barkada niya.Doon kami nakisama ng room at hindi sa mga kaklase namin.2night at 1day kami doon pero 2night kaming walang tulog dahil sa kakulitan ni Mika na barkada nya.Kahit naman hindi kami nakatulog at puyat na puyat talaga kami eh sulit naman kasi sobrang saya talga naming noon.






sci camp 2010

Naalala ko pa nga noong 3rd ako sumali din ako sa sci camp noon at ang kasama ko pa nga noon ay si Gkay Valerio ang kapatid ni Jane Valerio na kabarkada ko.Barkada ni Gkay ay mababait at ipinakilala nya ako sa mga barkada nya at doon ko nakilala si Richard D. Caagbay na 4th tear sya noon at ako naman ay 3rd year palang noon.Pinakuha ni Richard ang number ko kay Andrew Leysa na bestfriend niya.Sinalubong kami ni Andrew tapos hiningi ni Andrew ang number ko kala ko pa nga noon ay siya ang nakuha ng number ko yon pala ay si Richard haha.Hanggang sa binigay naman ni Gkay ang number ko.Tapos nagkatxt kami at doon nag simula ang lovestory naming 2 ni Richard.Hanggang ngayon ay kami padin sobrang tagal na naming 1year and 6 months na kami matatag ang samahan namin eh at ngayon naman kasalukuyan ako naman ang gagraduate sa Col Lauro D. Dizon Memorial National High School.Kasi nakagraduate na sila ng 4th year noong 2009.



Marami na akong karanasan sa buhay,yong sa mama ko hanggang sa ngayon naiisip ko padin iyon.Nakatatak na talaga sa akin ang mga nangyari sa buhay ko.Ngayong 4th year ay madami akong natutunan o nalaman na iba’t-ibang aral sa buhay at marami rin kaming ginagawang activity sa school.Kaya hindi ako nalulungkot gaano pero hindi mawala sakin ang malungkot sa tuwing makakakita ako ng mag ina na sobrang saya at sweet sa isat’isa.Naiinggit ako sa kanila nasa isip ko nalang na kung buhay pa si mama ay ganon din kami kasaya at kasweet.Pero sabi ng mga kaibigan ko eh huwag daw ako maging malungkot dahil lagi naman daw sila nandyan para suportahan at tulungan ako sa mga bagay na hindi ko alam.Kaya nag papasalamat padin ako sa mga mabubuti kong kaibigan.Tulad nalang noong nag layas ako na hindi ko alam kung san ako pupunta,nandyna si Meriel na tumulong sakin at tinanggap ako sa bahay nila.Alam kong mali ang ginawa ko kasi naman ang nasa isip ko noong oras na iyon parang inaapi na ako.Pero narealise ko na para din pala sa sarili kong kabutihan ang ginagawa ni tita para sakin.


ako ngayong 4th year




Kasalukuyan kaming nakatira sa Baranggay San Jose Malamig,Oreta Compound San Pablo City.4 lang kaming nakatira sa bahay ng tita ko.Si tita Emily,si Rose ann na kanyang anak at yong  isa ko pang pinsan na si Marry Rose Miranda.Pero kadalasan 3 lang kaming natitira sa bahay.Sapagkat si tita ang mag tatrabaho samin para may itustos sa pang araw-araw na pamumuhay naming at para din sa pag aaral naming 2 ni Rose ann.Lahat ng aming gusto ay binibigay nya.Balang araw ay naibabalik ko din sakanya ang kabutihang ginawa nya sakin.Tunay na isang mabuting tita ko siya dahil si mama ay katulad din niyang mabuti.Ito ang buhay ko na madalas may kalungkutan pero madaming kasiyahan.:)