Monday, February 21, 2011

Ang Talambuhay ni Catherine Camille Devanadera

     Una sa lahat ako ay nanggaling lamang sa simpleng Pamilya,pero kahit ako`y nanggaling sa simpleng pamilya pinalaki ako ng aking mga magulang ng may takot sa DIYOS at may paggalang,tinuro din sa amin ang maging responsible sa mga bagay at respeto sa opinion ng iba .At alam ko rin na mahal na mahal ako ng aking magulang ko at kaya nilang gawin ang lahat para sa ikasasaya ko.




one year old ako


    Una sa lahat gusto ko munang ipakilala sa inyo ang aking sarili;Ako si Catherine Camille Navarro Devanadera.Anak nila Henry Garcia Devanadera at Ma.Concepcion Navarro Devanadera .Isinilang noong Pebrero 25,1995,sa Malolos Bulacan sa ganap na 3:00 na umaga .Ako`y labing limang taong gulang na nasa ika-apat na antas ng sekondarya sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School.Sa pagsisikap ng aking mga magulang ay makakatapos na ako ng sekondarya.Samantalang ang trabaho naman ng aking mabuting ina ay isang may bahay lamang samantalang ang aking ama naman ay jeepney driver at ang pangalan naman ng aking nag-iisang kapatid ay Harold Navarro Devanadera.Ako ang panganay sa aming dalawa.Ang aking kapatid ay nasa ika-ung baiting sa Col.Lauro D. Dizon Memorial National High School.
me with my family :)
  Ang sabi ng aking mga magulang at iba pang kamag anak ng ako daw ay ipinanganak ni mama ay laking tuwa nila at tinawag nila akong “Munting Anghel”.At ng inuwi na nila ako sa bahay naming aymaraming dumalaw at tiningnan nila ako.Ang sabi ng mga dumalaw sakin ay cute at malusog daw ako at sinabi din nila na malayo daw ang mararating ko.At ang sabi sa akin ng aking mga magulang ang unang salita ko daw ay mama at doon lalo silang natuwa sakin.At ng ako`y nag isang taon na nagging madaldal na ako at madiriin sa nga bagay at mga pagkain na hindi ko alam.Maselan din daw ako sa mga kinakain ko.At ng ako naman ay nag tatlong taong gulang na lumipat na kami ng bahay dito sa San Pablo City dahil dito gustong mamuhay ng aking papa dito daw nagsimula ang maraming pagsubok sa buhay naming.Tulad ng mawalan ng trabaho ang aking trabaho ang aking papa dahil sa na ospital ako,dahil din sa pagkakaospital ko ay nawala ang sasakyan naming at napabenta ito.At pagkatapos naman ng dalawang taon nakahanap na siya uli ng permanenteng trabaho,dahil dito tinaguyod at naiahon kami sa hirap.ng ako ay nagsimulang pumasok ay nasa idad ako ng anim marami akong karanasan na hindi masyadong malinaw sa aking  isipan at may natandaan naman ako tulad ng pagsali ko sa mga contest sa aming paaralan at naging 3rd honor din ako kaya ang saya ng aking mga magulang. Ng tumungtong na ako ng unang baitang ng elementarya at nakatapos ng kinder garten ay pumasok na sa isipan ko na dapat ay makatapos ako ng pag-aaral at hindi dapat tumulad sa iba na walang natapos at hirap sa buhay. Ng ako ay grade 4 ay inilaban ako sa mr/ms valentine at nanalo ako ng best in gown at naisipan ko din na sumali sa banda at dito ay naging miyembro ako nito at naging majorite.Nung una nahihirapan ako na gumamit ng baton pero ng tumagal ay natutunan ko din.Ng tumuntong naman ako ng ika-limang baiting ay mas pinag-butihan ko pa ang aking pagsasayaw at pagbabanda at dahil sa pag pupursigi ko ay naging leader ako ng banda naming at ipinanlalaban din kami sa sayaw  sa iba`t ibang paaralan at ang pinaka kinasasabikan namin ang pagtungtong ng ikaanim na baiting mas naging masaya kami pero may kasamang takot dahil magkakahiwahiwalay na kami ang hindi ko makakalimutan dito ay ng nagsiiyak pati mga lalaki at mga guro namin pero ito din ang pinaka masayang araw at 
my 7th birthday
parte ng buhay ko. Pagkatapos ng aming graduation ay nagsamasama kami at pumunta kami sa bahay namin at dito kami kumain ito ang huli naming pagsasama sama ng buwan na yon dahil natagalan bago ulit kami magkakasama sama kaya sinulit na naming ang masasayang araw ng pagka isip bata.Ng ako ay tumuntong na sa ika-unang baitang sa high school at nung una ay nahihiya pa ako wala pa din akong masyadong kakilala noon dahil iba na ang mga kaklase ko ngunit may isang tao ang hindi nahiya sa akin at nakipag kaibigan agad,siya ay si Catherine Lirio siya ang una kung naging kaibigan hanggang magdagdagan pa ang mga taong naging malapit sakin .Wala pa din akong pakealam sa pag-ibig dahil nakatuon ang aking isip sa pag-aaral at dahil ditto kahit may gusting manligaw  sa akin ay hindi ko pinapansin at sinasabi ko na lang na hanggang kaibigan lang ang maibibigay ko sa kanila dahil wala pa talaga akong balak mag boy friend.

        Ng tumuntong naman ako ng 2nd year high school ay dumami pa ang pagsubok ko sa buhay dito ako unang natutong mag-inom,dito din unang beses akong mawalan ng ina dahil kailangan talaga niyang mag-ibang bansa,dito din ako nahirapan mag adjust dahil unang beses kong naranasang mawalay sa piling ng aking ina.Nahirapan din ako sa mga gawaing bahay dahil hindi ako sanay sa mga gawaing bahay.Marami siyang itinuro sa akin ngunit hindi ko naman sinunod.ditto ko rin unang naranasan kung paano magloko sa pag-aaral dahil hindi ako sanay ng wala sa piling ng nanay ko.Naghahanap din ako ng atensyon ng isang ina na malayo sa anak sobrang hirap talaga pag malayo saken ng aking ina at ang tanging nag-aalaga sakin ay kundi ang aking ama.Wala kang masasabihan ng problema at hindi ka makapag-open ng kahit ano dahil nahihiya ako sa aking ama dahil hindi naman niya maiintindihan ang mga nagiging problema ko.Nakakapag sabi lang ako ng problema ko sa mga kaibigan ko o kaya naman ay humihingi ako ng mga payo sa mas nakakatanda sa akin.Minsan naranasan kong magkaroon ng problema sa aking pag-aaral hindi ko alam kung paano ko ito sasabihin sa aking ama dahil natatakot akong sabihin sa kanya ang totoo. Ang nagawa ko lang na paraan ay ang makipag-inuman sa aking mga kaibigan akala ko ay mawawala ang aking mga problema ngunit mas lumala pa ang naging problema ko,hindi koalam kung paano ako magpapalusot kay papa.Doon napagalitan nya ako ng sobra at doon din unang beses nya ako sinaktan.Napaiyak ako ng sobra dahil dito hindi ko akalain na magagawa sa akin ni papa yon.Kinausap ako ni mama at pinangaralan nagtino naman ako sa pakiusap nya.


high school friend :)
           Ng tumuntong naman ako ng ika-tatlong baitang ng sekondarya akala ko ay maiiwasan ko na ang mag-inum yun pala hindi pa nakipag-inuman pa rin ako sa mga kaibigan ko.Dahil dito ay nalulong na ako sa alak hindi na din ako nakakapasok matagal akong hindi nakapasok kaya madami akong binabang marka,Dahil ditto ay pinatawag ang aking magulang ngunit hindi ko naman sinabi sa aking papa,dahil dito ang guro ko na ang gumawa ng paraan kaya nalaman ng aking magulang ang nangyari.Dahil ditto napagalitan ako ng sobra sa bahay.Nung una gusto na akong patigilin ng aking papa sa pag-aaral ngunit hindi pumayag ang aking ina.Dahil sa mga nangyari ay napilitang umuwi si mama.Dahil ditto ay inayo ko na ang aking pag-aaral ko.Nung una kala ko hindi ako makakapasa ng 3rd year buti nagawan ng paraan at nahabol ko pa at nakapasa ako.At ng nakauwi na si mama naging masaya na kami at ngseryoso na ako sa pag-aaral. At ng nasa ika-apat na baitang na ako  ng sekondarya nagtino nah talaga ako sa pag-aaral dahil gusto ko ng makatapos at masuklian ang mga paghihirap na ginawa sa akin ng aking magulang.Maraming mga masasayang bagay na hindi ko makakalimutan tulad ng nadagdagan pa ang mga tunay kong kaibigan,lagi akong masaya kahit may problema ako,ako yung tipo ng tao na tahimik pero kapag nakilala mo ako masasabi mong maingay din ako,siguro kaya ganito ang personality ko.Isa din sa hindi ko makakalimutan ay nakilala ko ang mga kaibigan ko tulad nila Cristina Catamen,Dustin Marko Reyes,Ricky Tenorio at higit sa lahat ang taong nagmahal sa akin ng totoo si JayCris Becina,masaya ako dahil nakilala ko siya.Siya rin ang tumutulong sa akin sa bawat pagkakataong may mga problema ako.Ngayon magtatapos na ako papunta na ako sa susunod na kabanata ng aking buhay.





me with my best friend dustin



 Salamat sa mga taong nagpapasaya sa akin hindi ko kayo makakalimutan. SALAMAT :)

muse.representative of 4E.

No comments:

Post a Comment